Sunday, July 15, 2007

NOSTALGIA

Noong wala pang bumabagabag sa dibdib ko at wala pang bumabalisa sa isip ko, nagkaroon ako ng mga kaibigan. Marami noon ang nagsasabi na napaka-sweet naman ng aming samahan. Kahit ako, naging kapuna-puna para sa akin ang lapat na lapat kong damdamin sa kanila. Palagay na palagay ang loob ko at buo ang aking tiwala sa kanila. Sa aming mga tampuhan at paglalambingan, daig pa namin ang magkakapatid. Wala kaming kapaguran sa halakhakan, lokohan at kwentuhan. Hindi lang isang tao ang nagpaalala sa akin na huwag ko raw ibigay ang lahat ng aking atensiyon, puso at panahon sa kanila……ngunit wala akong pinakinggan dahil pag kasama ko sila, may pera o wala, gutom man o may problema, ay palagi kaming masaya….walang kasing saya! Tuloy sabi ng isa, “Sayang, sana naging magkakapatid na lang tayo, siguro ang gugulo natin”. Tumimo sa puso at kumintal sa isip ko ang mga salitang iyon…..dahil gusto ko nang sabihin iyon matagal na. Dahil sila lamang ang nagpaligaya sa akin, sila lamang ang nagbigay importansiya sa akin bilang kaibigan…..nagmamahal na kaibigan.

Damang-dama kong ganun din sila sa akin. Kaya nga ng gabing matutulog na kami….nagkaiyakan pa nga kaming nangarap na sana…..”Walang magbabago sa amin”. Muli, isang punyal na humihimas sa aking puso ang naging sumpaan ng gabing iyon…….hindi lamang dalawang beses naming inulit ang sumpaang iyon at ang mga lumipas na araw ay walang kasing ligayang nagdaan sa buhay naming.

Ngayon…….ewan ko kung mahal pa rin nila ako…basta’t ang alam ko…walang oras na hindi ko sila naaalala. Anuman ang gawin ko, sila ang nasa puso’t isipan ko. Ang dating punyal na humihimas sa damdamin ko ay tumatarak ngayon….palalim ng palalim sa tuwing masasalubong ko sila….masakit, lubhang masakit.

Sa higaan ko, ako ngayo’y nag-iisa…at sa kalungkutan ko, ako’y napapabuntunghininga kasunod ang mahapding pagpatak ng luha sa aking mga mata…..

Matagal na iyon…pero masakit pa rin. Totoo ang sabi nila. “Masasaktan ang isa sa inyo bandang huli.” Wala nga talagang bagay sa mundo ang hindi nagbabago.

Matagal na iyon..pero hanggang ngayon malinaw pa rin sa akin ang leksiyon..ganito pala talaga sa lupa….sa paaralan, lesson muna bago ang test, pero sa buhay….tets muna bago mo makuha ang LESSON!!!

Anolimous

No comments: