Sunday, July 15, 2007

ANG SUGATANG TAO AY MAGANDA

Ask ko si God, sabi ko "Bakit mo siya kinuha sa kin? Binigay ko namanlahat?" Sabi niya "Di ka kasi nagtira para sa'yo". Sabi ko, "Ganito po kasiako magmahal." Sabi niya, "Kaya pala lahat kinalimutan mo pati ako"

Sabi ko:
Nakapanood ako ng mga palabas kamakailan, Panginoon, tulad ng kina Jennifer at Adrian, Jack at Rose, Sam at Toni at Kim at Gerald. Ang pagmamahalan ng mga batang nilalang, kahit papano sa ganung mga palabas, ay maganda…simple, totoo…..hindi kumplikado. Sila’y napaka natural sa kanilang emosyon, malinaw ang kanilang damdamin.

Panginoon, sana ako rin ay ganon, pero bakit ba hindi? Bakit nga ba?
Ako’y nasaktan Panginoon. Ako’y nagtiwala at niloko ng ilang beses.
Ako’y nagmahal pero walang nakuhang kapalit.
Ako’y nagsabi ng sikreto pero narinig kong ipinagkalat sa iba.
Ako’y naging magiliw pero hindi nila ako pinansin.
Lahat yun Panginoon pinagdaanan ko. Ako’y bumagsak. Ako’y nabigo.
Ako’y nasugatan. Tingnan mo Panginoon punong-puno ako ng sugat.

Ang sabi ng Panginoon:
Maaaring hindi mo pa ganap na nauunawaan.
Maaaring hindi mo pa alam na ang buhay ng tao ay ganyan;
LAHAT NG MGA BANAL AY SUGATAN.

Ang murang pagmamahal ay hindi ang pinakamataas na uri ng pagmamahal ng tao. Ang matinding pagmamahal ay mula sa mga taong sugatan. Alam kong maraming tao ang ayaw ng magmahal dahil ayaw na nilang masaktan; mga taong nagsimulang magmahal muli…sa kabila ng lahat…..na hinayaan ang sariling masaktan muli. Ito ang mga taong nagmahal muli ng matindi, ng mapang-unawang pagmamahal, pagmamahal na wagas..
Sumagot ako:

Sa tingin ko’y alam ko na ang ibig mong sabihin Panginoon. May mga nakilala akong ganyang tao at dahil sa kanila ay nagkaroon ako ng tapang. Ang magiting na tao ay ang marunong pa rin magmahal kahit sugatan.

Gusto ko ang mga sugatang tao, Panginoon, sila’y maganda.


Anolimous01sept2006

No comments: