“Kapag ikaw ay naiiyak, subukan mong bumaligtad, at ang iyong mga luha ay babalik sa kanyang pinanggalingan…….”
Kakaiba ang pasok ng “panahon” na yun. Hindi ko malaman kung bakit. Excited pa nga ako na ma-meet ang mga bagong inakay, mga bagong sisiw. At hindi ako nagulat. Halos sila din yun. Familiar faces ika nga. Meron din naman na bago. Pero iilan lang sila kung ikukumpara sa mga sisiw na dati ko nang inalagaan.
Ang tawag nila sa lugar na iyon ay H-210 o Hardin 210. Isang masikip, mainit at maingay na hardin. Hindi siya normal kung ikukumpara sa iba pang mga hardin. Kakaiba ang dating ng pulutong ng mga sisiw na iyon. Tingin ko naman mga okay sila. Pero sa una pa lang nagalit na ako sa kanila. Kakaiba ang tinig at ingay ng mga sisiw na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro tumatanda lang siguro ako, iritado sa ingay na nagmumula sa labas ng hardin, dala lang ba ng pagpipighati ko o sobra lang talaga ang ingay nila. Pero nagparaya ako, nagbigay at nagpatawad. Kinain ko ang aking mataas na “amor propio”. Basta huwag na lang nilang ulitin. Ngunit bakit ganun. Pinipilit mo na ngang kalimutan ang pangyayari at ang nakaraan pero heto uli sila at hinamon na naman ang aking kabaitan ( o mabait ba talaga ako?). Kakaiba ang ginawa nila noong araw na iyon. Sila ay nasa ika-apat na taon na ng pagsasanay pero hindi pa rin nila alam na may isang lugar sa kabukiran na bawal ang “paglalaro”. Pero may isang sisiw pa rin na sumubok maglaro. Unang araw pa naman naming sa lugar na iyon. Pero hindi pa iyon ang mabigat. May isang ( isa lang ba?) sisiw na nagsulat sa dahon…….at ang laman ng dahon ay hindi basta sulat lamang. Nakatala doon ang mga titik na hindi maganda sa mata, sa pandinig at sa pagkatao. Isang katagang “mura”. Hindi ko alam ang kanyang gustong iparating. Maaaring isang pagbibiro lamang iyon. Isang pagsasaya. Baka nga. Sana nga. Ngunit hindi ko makakalimutan ang nakasulat doon: TANGing INA MO lamang KAya? …………….At dahil doon. Parang naubos ang aking pasensiya. Ginalit nila ako ng lubusan. Pwede na akong mag “conclude”. Di ba meron na akong 2 “hypotheses” so pwede na ang isang “conclusion”. I therefore conclude na dapat na nga akong magpakilala. Nang gabing iyon, halos hindi ako makatulog dahil sa galit. Iniisip ko ang mga pangyayari at ang mga susunod kong hakbang para magpakilala sa mga sisiw. Ang masakit pa nito, noong gabi ding iyon, nalaman ko na may isa ding agila na minaliit ang aking kakayahan, ipinahiya ako sa ibang mga sisiw at tahasang sinabing “Sino ba naman ako? Wala akong pakialam!………….maugong na maugong sa dalawang tenga ko iyon. Bakit ba naman ako pumapapel. Mapapel kasi ako. Ngunit ang hindi kasi niya alam mga sisiw ang lumalapit sa akin at nagtatanong. Ginagawa ko lang naman ang aking tungkulin at ang nararapat. Ang mga pangyayaring ito’y parang punyal na unti-unting tumatarak sa akin…..palalim ng palalim….Ngunit lagi na lang may “SORRY”. Humingi ng patawad ang sisiw na may sala. Sino ba ba naman ako para hindi magpatawad. Ngunit ipinabatid ko sa kanya na patatawarin ko siya ngunit dapat niyang malaman at maintindihan na mali ang kanyang ginawa. Maling-mali.
Ngayon hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Basta ako pinipilit kong iwaksi sa isip ng mga sisiw ang takot, ang pangamba at ang galit. Bakit? Kasi kahit ako ramdam na ramdam ko ang takot at nerbiyos tuwing kausap ko sila. Kasi naman daw ang aking mga titig. Kasalanan ko ba kung magkaroon ako ng ganitong klaseng mga mata. Suplado daw ako. Bakit sinubukan nyo na ba akong batiin o lumapit man lang? Kinilala nyo na ba ako ng lubusan? Terror daw ako. Ano ba sa inyo ang terror? Dimasakat daw ako! For GOD sake! Ni anino nga ng taong iyon hindi ko nakita. It’s so unfair to compare me with that person. How can I react! Bakit kaya hindi nyo subukang lumapit? Bakit kaya hindi nyo subukang kausapin ako ng puso sa puso ng malaman nyo ang mga katagang laging namumutawi sa inyong mga labi. Akala ko isa akong agila na bahagi ng isang grupo…..na tingin nila ay weirdo…….na malalim magsalita…na malungkot dahil iniwan ng agilang minahal nya……..hindi lang pala yun…….siya rin pala iyong kinatatakutan ng lahat……….dahil powerful siyang agila………tingin nila dito ay walang kinatatakutan………..hindi pala……di nga ba lahat ng bagay ay may “weakness”…may soft spot din sa kanya…..all you need to do is give him a chance………
“It’s no lie so please believe me
In my heart you’ll see the real me
You just gotta give me a chance………"
Anolimous

No comments:
Post a Comment