Sunday, July 15, 2007

Durog na Bathala…Anay sa Akademya

(Ang Pagbubunyag)

(Note: The views and opinions stated here do not necessary reflect those of my family, friends and the department.)

“Some people don’t just care about other feelings. They didn’t mind hurting as long as they’re happy for their sake.

Sana masayang kwento ang mababasa ninyo ngayon. Tungkol sa isang grupo, ang GSM Boyz. Isang grupong nagbigay at tumanggap sa akin bilang isang bagong kaibigan. Ngunit sa isang biglaang pangyayari mas bibigyan ko muna ng espasyo ang lathalaing ito. Dahil higit saan man ito ang pinakamalaking teleserye ng totoong buhay. Walang mahika, walang kwentong komiks at walang kababalaghan. At pagkatapos kong ihayag ang buong pangyayari hindi ko alam ang kapalarang naghihintay sa akin. Maaaring ito na ang aking Final Destination. Gusto ko lang naman ilahad ang katotohan. Ang katotohanang magpapalaya sa akin….

Sabi mo “E” may taning na ang buhay ng tatay mo. At luluwas na mula sa Samar ang nanay mo at mga kamag-anak mo. Ngunit kapag hindi ka nakagraduate baka pati nanay mo atakihin sa puso. Sana nga nagsasabi ka ng totoo. Bakit sinabi ko ba na imbitahin mo ang buong kamang-anak mo kahit hindi ka pa siguradong gagraduate? Ang kapal ng mukha mong mag-imbita kahit alam mong tagilid ang lagay mo sa subject ko. At sasabihin mo sa aking dapat pasado ka kasi nakasagot ka naman nung final exam nyo. Na yung walang sagot pumasa ikaw na may sagot bumagsak. Bakit tama ba ang sagot mo? At ikaw pa ang nagbibigay ng leakage sa mga classmates mo. Bakit at paano mo nalaman na walang sagot ang mga classmates mo? At matalino ka ba para ikaw ang magbigay ng tamang sagot o leakage sa mga classmates mo? Alam mo naman ang klase ng mga exams ko. Open notes kadalasan at kahit may leakage na ay mahihirapan kang sagutan. C’mmon think again . At ikaw din “W” sabi mo nag-imbita na ng kamag-anakan mo ang iyong Papa. At pag hindi ka nakagraduate hindi ka makakauwi sa bahay ninyo at palalayasin ka ng Papa mo. Kapal mo rin. Bakit sinabi ko ba na mag-imbita na agad kayo? Ikaw na walang ginawa at inasikaso kundi ang pagsasayaw mo. Ni simpleng html hindi mo alam tapos ang lakas ng loob mong mag-imbita para sa graduation mo. Ginamit mo pa si “Jewel in the Palace” para makausap ako at pumasa kayo. Isa pa. Special project? Bakit special ba kayo para bigyan ng special project? Sige kung gusto nyo ng special project bilhin nyo ang Project 1 hanggang Project 7 Quezon City para sa akin kung gusto nyo ng special project. At nang binigyan ko naman kayo ng project sabi nyo mahirap pwede bang iba na lang? Kasi nga sanay kayo na ang special project na hinihingi nyo ay talagang “special”. Bakit special na ba ang libro, cell card, alak, pera, pagkain isang date, bola, jeans, damit, gamit, computer parts at ano pa ba? “Special” nga. Pero hindi PE ang subject ko. Hindi ako kagaya ng ibang teacher sa major subject nyo, na graduate ng masters pa namang naturan pero simpleng bagay ay nasisilaw. Pwede kong baguhin ang grade nyo oo. Pero hindi ako tatanggap ng kahit ano mula sa inyo. Dahil ayoko ng dagdagan ng isang pang pagkakamali ang isa kamalian. Basura man may dangal pa rin ako. Sana makalakad kayo at makatingin ng diretso sa Graduation habang tinatanggap nyo ang inyong diploma kahit alam ninyong hindi kayo karapat-dapat na pumasa at umakyat sa entablado. Sana hindi kayo usigin ng inyong konsensiya habang masaya kayo samantalang may isang taong ninakawan ninyo ng dignidad.

Terorista. Terror. Masungit. Suplado. Mahigpit. Walang konsiderasyon. Nakakapressure. nakakatense, meron din namang nagsabing walang natututunan at marami pang masasakit na salita na sa kalaunan ay natutunan ko na ring tanggapin. Ngunit kahit isa sa kanila walang makapagsasabing nabili o nasuhulan nila ang isang Mr. Argente. Aaminin ko marami akong ibinabagsak. Marami ng graduating students ang lumuha sa akin. Yun ang mga dahilan kaya nagkaron ako ng ganitong imahe. At iyon din ang dahilan kung bakit mababa ang ratings na ibinigay sa akin. Dahilan kaya takot silang bigyan ako ng maraming subject lalo na ang pang graduating. Pero wala silang magawa. Bibihira ang mga gurong pwedeng magturo ng mga subjects na itinuturo ko. Kung meron man kailangan pa rin ang gabay.

Iba nga siguro akong guro. Hindi ako graduate ng Ateneo, La Salle at UP. Hindi pa ako tapos ng MS-IT ko. Hindi ako Doctor na may PhD. Experince lang sa field ang pinanghahawakan ko. Nag-aral ako sa Pinagbuhatan Elementary School, isang public school, sa Arellano University at sa Adamson University. Hindi pa ako tapos ng aking Masters Degree. Pero sapat na ang pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang at mga natutunan ko sa nabanggit na paaralan para malaman ang simpleng tama at mali. Hindi ko kailangang maging MS IT o MS CS o kaya maging Masters in Engineering para malaman ang mga bagay bagay. Wala nga siguro akong alam.Bobo nga siguro ako. I am nothing. Mababaw nga lang siguro ako. Pero hindi ko naman kailangang magpakalalim para maintindihan ang katotohanan. Malinaw pa sa sikat ng araw ang hubad na katotohanan. Hindi ko kailangang magpakadalubhasa para alamin kung ano ang dikta ng konsensiya. Sabi ko nga the more you know the more you don’t know. The higher your educational attainment is the more things become complicated. The more you become dull. Because you’re making the right things wrong and the wrong things right. Di ba nga may mga bagay sa buhay natin na kahit alam nating mali pinipilit nating gawing tama…..kasi minsan dun tayo masaya…..ngunit ano ba ang dapat piliin, TAMA na malungkot ka o MALI na masaya ka?

Ngayon. Sabi nila kung ayaw mo eh di umalis ka. Madaling sabihin. I am not after the money. Pero bakit nga ba nagtatagal ako? Una dito ko nakilala ang babaeng bumuo ng aking pagkatao. I found here not just happiness but joy in my heart. Anybody can be happy but not anybody can be joyful. Dito ko nakakasama ang aking mabubuting kaibigan, ang F4 and More(kilala nyo kung sino kayo, thanks COMSOC for the name), ang aking mga kaibigang estudyante. Na patuloy na naniniwala sa kakayahan ko kaya ako nagpapatuloy. At higit sa lahat para sa “eskwelahan at mga estudyanteng” gusto kong pag-alayan ng aking talino at talento. Dahil alam ko malaki pa ang responsibilidad ko sa kanila. Thirty(30) years ago I was born and thirty years after they “kill” me. Ten(10) years ago(1996) I graduated and as young, eager, and idealistic as I was. But ten years after(2006) I am still eager but not as young and idealistic as before. My idealism was caught by the cancer of the society. Pangit ako alam ko. Kalbo pa nga eh. Hindi ako mapera. Hindi ako malinis. Hindi ako perpekto. Hindi ako magaling katulad ng ibang guro diyan. Ang dignidad at pangalan lang ang tanging mayroon at maipagmamalaki ko. Pero ngayon wala ng lahat yun. Duwag ako. Dahil minsan pa hindi ko naipaglaban ang aking karapatan. Ngunit naisip ko dahil sa isang karuwagan ko ilang kaluluwa ang “mabubuhay”. Dalawa man ang mata ko bulag akong tumanggap ng pangyayari. May bibig ako pero nanatiling pipi sa sigaw ng katotohanan. May isip ako pero huli na ng maisip ko kung ano ang aking nagawa. Wala ng pwedeng ipagmalaki ang isang Noli M. Argente na iningatan ko at pinanday ng mahabang panahon. Durog na ang minsang binansagan ninyong Bathala. Umikot na ang Gulong ng Palad. Dahil ngayon kinain na rin ako ng pulitika at sistema ng akademya. Ang anay ng akademya na patuloy na kumakain sa magandang sistema. Siguro nga isang dahilan iyon bakit hanggang ngayon nasa Kalentong pa rin ang “Akademya”. Sana bukas kilalanin at tanggapin nyo pa rin ako dahil kahit buhay ang katawan ko pinatay naman “nila” ang pagkatao ko……….

Anolimous
March 24-29, 2006

No comments: