Sunday, July 15, 2007

MAGPAKAILANMAN...........B2

( Ang Terror at ang B2)


Hindi ko alam kung tama o mali ang ginawa kong ito. Alam ko marami at sari-sari ang magiging reaksyon. Sabi ko bahala na. At least nasabi ko. At least nagawa ko. Mas mali naman yata na hindi ko sabihin. Mas hindi maganda kung sasarilinin ko na lang. Kung hindi ngayon, kalian pa? Kung hindi ako, sino? Ipinangako ko kasi na gagawan ko sila ng kwento. Kwentong mula sa puso. Ilang araw na lang simula na naman ng panibagong semester. Panibagong mga estudyante. Ngayong sumusungaw ang panibagong araw hindi ko maiaalis ang paglubog ng dating araw. Sa kanyang paghimlay hindi ko maiwawaksi ang nakaraan….ang aming kahapon…sa piling ng B2……..

June 08, 2004 ika-4:30 ng hapon, araw iyon ng Martes sa Gusaling H-211. Kakaiba ang araw na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang damdaming lumukob sa akin. Kakaibang pakiramdam. Siguro dahil mga bago silang estudyante. Siguro dahil wala ako halos kakilala. Siguro nga…baka nga…..malalaman natin….At mabilis na lumakad ang mga araw. Kayraming nangyari. Sa lahat ng klase ko, sila ang una kong napagalitan. Hindi para ipahiya. Hindi para mapasama. Kundi parang damdamin ng isang magulang na ayaw mapahamak ang kanyang mga anak. At sa nagdaang panahon lalo akong ginaganahan sa araw-araw naming pagkikita. Sa patuloy na pag-ikot ng mundo akala nila pinapahirapan ko sila. Lalo na nung araw-araw silang magpacheck ng documents nila. Pero ano ang aking magagawa. Kailangan kong gawin yun. Dahil mas mahihirapan sila kung hindi ko gagawin. Kailangan kong ipakita na hindi ako apektado sa nangyayari. Kahit sa likod nito’y naaawa rin ako sa kanila. Pero noon itinago ko muna ang aking nararamdaman. Unti-unti nakikita ko ang kasagutan sa aking mga katanungan. Kaya pala…..yun pala…..nakilala ko kasi ang B2 lalo na si “Miss B2” kahit sa loob lang ng maikling panahon. Maaaring ako’y mali sa nalaman at naramdaman ko. Maaaring hilaw pa ang aking sapantaha pero hindi masamang magtake ng risk. Kaysa naman magkaron ako ng regrets. Sa kabuuan mabait at palagay ang loob ko sa section na ito. Sana walang magtampo pero kaiba talaga sila. Kahit nahihirapan na patuloy pa rin ang buhay. At noong nagkasakit ako taga B2 at lalo na si “Miss B2” ang laging nagtetext sa akin na mag-ingat, kumain para lumakas at huwag kakalimutan uminom ng gamot. Maliliit na bagay pero malaki ang katumbas. Bakit may iba bang gumawa nun? Bakit nakisimpatiya ba sila? Bago matapos ang klase nangako ako na magkukwento ako. Ikukwento ko ang lahat-lahat. Ang kwento ng isang gurong tinatawag nilang “terror”. Minsan naisip ko nakakahiya. Minsan sumasagi sa isip ko bakit pa? Baka pagtawanan lang nila ako. Baka sabihin nila nagdadrama lang ako. Baka sabihin nila nagsesenti lang ako. Baka sabihin nila nagmamakaawa lang ako. Bahala na.

Ngayon tapos na ang klase namin. Aaminin ko namimiss ko sila…namimiss ko siya. Sila na nagbibigay lakas sa akin lalo na nung ako’y magkasakit. Ngunit isa na namang masakit na katotohanan na wala talagang permanente dito sa mundo. Na lahat ay may katapusan gaano man ito kaganda. Ito pala ang isa kong bangugot. Masamang panaginip. Sana hindi na natapos. Na sana ngayon pa lang naguumpisa. Oo baka sa susunod maging estudyante ko ulit sila. Pero malabo nang mabuo ang B2. Ang B2 na itinuring kong isang kaibigan. At sa ating paghihiwalay, babaunin ko ang alaala ng ating kahapon. Ang kakulitan ni “Hannibal”. Ang taong nagpayo sa akin na kausapin ko daw ang aking mga students kasi iba na ang pagtingin nila sa akin. Ang taong laging nakangiti. Kay “utang_na_loob”, ang una at nag-iisang student na nagemail sa akin ng kanyang sama ng loob sa software review na nasundan pa ng mga emails. Kay “senti dahil kay sister” na gusto akong maging close kaso hindi kami mabigyan ng tamang panahon. Kay “pwedeng magpakasenti” na mababa ang tingin sa sarili pero ang hindi nya lang alam ang laking improvement nya kumpara nung una ko syang maging student. Nagulat nga ako at ganun na sya kagaling. Kay “IDOL # 2” at sa kanyang mahal. Na ginawa ang lahat kahit na sa subject na 41. Doon ko napatunayan na mahal nya talaga ang babaing yun. Masuwerte sila pareho. Mahal nila ang isa’t-isa. Inimail ko na kayo at ako’y natutuwa sa inyo. Mabait kayo pareho. Sinabi ko na iyan basta huwag lang sasaktan ang isa-t isa. Kay “haligi” na nagtext sa akin na “our dearest instructor”. Mabait ka at bukod doon matalino pa. Sana alam mo yan. Hindi ko man nasabi pero marami namang mga classmate mo ang nagpapatunay. Kay “IDOl #1”na hindi natatakot magtanong sa akin kahit ang ibang mga students ay mamatay na sa takot. Siya na lagi kong ka chat. Salamat kasi noong araw na iyon malungkot ako dahil sa mahal ko at least may napagsabihan ako ng aking saloobin. At least ikaw ang unang nakaalam ng tungkol kay “Miss B2”. Marami na tayong napagkwentuhan at marami na rin tayong mga sikreto. Sa dalawang klase ng pagkakaibigan na nasira ng hindi nagkakaintindihan. Ang una na simulat simula pa lang ay matalik na magkaibigan na ngunit dahil sa miscommunication ay magkaibang mundo ngayon ang inyong nilalakaran. Malungkot isipin bakit kailangan mangyari iyon pero sana iadya kayo ng panahon na makapagusap muli ng sarilinan. Upang maayos ang lahat. At sa isang pagkakaibigan na patuloy na hinahampas ng bagyo ang pagsasama dahil tila hindi pa kayo magkakilala sa kabila ng 2 taon nyong pagkakaibigan. Bagamat tanggap nyo ang isat’isa hindi nyo pa rin matanggap na kayo’y parehong unique individual na may magkaibang personalidad. Babaunin ko rin na sana mabuo rin ang love team nina Ariel at Blessie, Jefersone at Janice, Pepe at Pilar (balita ko sila na daw) at Andrew at Fernando. Kagaya ng dati, kahit inspirasyon ko si “Miss B2” magpaparaya ako katulad ng pagpaparaya ni Spiderman sa kanyang kaibigan. Kaya mas gusto ko ang Spiderman, totoo kasi ang love story nya. Yung kay Superman hindi. Lalo na ngayong sya’y pumanaw na. Akala ko biro lang ang lahat. Na wala kang pagtingin sa kanya. Na iba ang gusto mo. Pero sa nalaman ko mahal mo pala sya. Kaso masakit mang tanggapin may bf na sya. Ikaw kasi bagal mo eh. Bagay na bagay pa naman kayo.

Malayo pa ang tatahakin natin kapamilya. Gustuhin ko man hindi ko alam kung sabay tayo basta isa lang ang alam ko mga kapuso, iyan ay ang serbisyong totoo. Kahit ang iba sa inyo ay Kontrobersyal na Pipol, 24 oras akong magmamasid upang patrolan ang mga big news sa inyong buhay. Salamat B2……..patawad B2………hanggang sa muli B2…..papaimbulog na muli ang Agilang ito na minsan nyong tinawag na BATO……..


“Closing time…….time for you to go out to the places you will be from
So gather up your jackets and move it to the exits, I hope you have found a friend
Every new beginning comes from some other beginning’s end….”



Anolimous
October 14, 2004

No comments: