Gaya ng aking ipinangako…sa patuloy na interesado sa love story nina Vivian at Carlo…ang other side of the story…ang aking sagot…..
Isa lang din ako sa mga gurong natutong umibig at nagkagusto sa aking estudyante. Bawal alam ko pero tao lang ako na may puso na marunong magmahal. Magkagayunman, marami kaming pwedeng ipagmalaki kasi hindi namin ginamit ang aking propesyon at ang aking katayuan para makatapos sya. Ni hindi sya nagpatulong para matapos ang mga mahihirap na subject at nakakapagod na project. Usapan namin yun. Na hindi ko sya tutulungan. Bawal na nga ang aming pagmamahalan at least sa ganung bagay meron pa rin kaming pwedeng ipagmalaki. Ngunit ano nga ba ang nangyari?
Siguro nga masyado nang naging kumplikado ang sitwasyon natin. Naging busy tayo pareho. Hindi mo na masakyan ang mga trip at ego ko. Pinagseselosan mo na ang mga lakad barkada ko. Na sinabi ko naman minsan sa iyo na kokonti lang ang mga naging kaibigan ko kaya ganun na lang kung ako’y magpahalaga sa kanila.
Minahal kita alam mo yun. O alam mo nga ba? Hindi ako sigurado kung naramdaman mo pero pinilit kong maipadama sa abot ng aking makakaya. You don’t trust me. You don’t believe in what I say. Sinabi mo na ikaw ang pinili ko pero iba naman ang nasa puso ko. Aminado ako na mahal ko pa siya. Pero hindi mo kasi maiaalis ang katotohanang minahal ko siya ng lubusan. Kaya nga ako nasaktan ng ganito. Sabi ko nga nasasaktan lang naman tayo pag nag invest tayo ng feelings. Walang pagmamahal walang sakit. Simple. Mahal ko pa siya pero higit na mapalad ka kasi mahal na kita ikaw pa ang pinili kong pag alayan ng aking pagmamahal.
Oo isa kang nakaraan pero di ba kung ano ang ngayon ay dahil sa ating nakaraan. At ikaw ang aking nakaraan na nakaukit na sa isang sulok ng aking puso hindi na mabubura pa. Isang ukit ng puso na nagbigay ng kulay sa aking nakaraan.
Siguro tama ka masyado akong mapagmahal. Na kinakalimutan ko ang aking sarili. Na sa tuwina’y mas mahal ko pa ang ibang tao kaysa sa sarili ko. Na hindi lang miminsan akong nagparaya ng aking pag-ibig para sa aking kaibigan.
Alam kong nahirapan ka sa sitwasyon natin. At tinanggap mo ang lahat sa akin. Lahat nga ba? Pero bakit nagseselos ka pa rin sa mga taong minahal ko kahit ilang beses ko nang sinabing ikaw naman ang pinili ko. Pinili kita kasi tanggap ko kung ano ang meron ka. Ngunit isa yun sa hindi mo maunawaan. Alam ko at nadama ko na sobra kang nagmahal. Minahal mo ako ng higit pa sa inaasahan ko. Pero siguro nga may mga bagay na gusto natin na hindi nangyayari. Some good things never last. May mga bagay na hindi pwedeng ipagpilitan kasi mas marami ang masasaktan. Mas magiging kumplikado.
Sa huli, itago na lang natin sa ating buhay ang alaala ng ating forbidden love. Itago mong maigi si B2 at alagaan. Isipin mo na lang na nandiyan lang ako kapag nalulungkot ka. Sa iyong paglisan sana naintindihan mo na ang dahilan bakit kita pinakawalan. Katayuan mo ang aking inisip at inalala. Sa murang edad mo’y marami ka pang makikilala. Lalo’t nasa malayo kang lugar. Kalayaan para hanapin ang iyong sarili at kamtin ang tagumpay. Malay mo balang araw kapag ipinag-adya ng kapalaran magkita at maging tayo muli. Ngunit sa ngayon babaunin ko na lang dito sa isang sulok ng aking puso……..ay may nakaukit na nakaraan….isang babaeng labis na nagmahal….isang bahagi ng puso na may nakatatak…..LYKA.
Anolimous
January 18, 2006

No comments:
Post a Comment