Sunday, July 15, 2007

LOVE STORY

Sa mga taong patuloy na interesado sa love story nina Vivian at Carlo...ito po ang ilan sa makatotohanang paglalahad ng pangyayari. One side of the story.......coming soon ...... will be my response...

Isa lang ako sa maraming kabataan na natutong umibig at nagkagusto sa isang tao akala ko ay imposible ngunit naging posible. Hindi ako manunulat basta ang tangi kong alam sa pamamagitan nito ay masasabi ko ang lahat ng nasa puso ko at sinasabi ng isip ko. Dumaan ako ng elementary, highschool hanggang 3rd year college pero hindi ko parin nararanasan ang mainlove. Marami tanong sa aking isip kung bakit marami tao lalo na ang kabataan ang nahihibang sa salitang ito. May mga nanligaw at nagkagusto naman sakin pero binabalewala ko lang. wala naman kase akong maramdaman para sa kanila. Sinubukan ko pero hindi rin naman nagtagal. Hanggang dumating ako ng 4th year college. Ist semester non unang araw ng klase. Hindi muna ako pumasok sa skul kase my duty pa ko sa trabaho kaya sinabi ko sa bestfriend ko na siya muna ang pumasok para makilala na niya ang mga magiging professor naming. Kase halos lahat ng subjects pareho kame. Pagkagaling niya ng skul pumunta cya sa store para sabihin sakin ang mga prof naming. Isa nga sa mga naikwento niya ay ang prof naming sa Csc45. sabi niya mukhang strict daw ito at mukhang mahihirapan kami sa subject nito. Ako naman nag isip at the same time excited to meet him. And dumating na nga ung time na pumasok nako ng skul. Nakaramdam ako ng kaba kase naman kapapasok ko palang eh recitation na. ibang klase pa siya magtawag ng estudyante. Naalala ko pa naman ung sinabi ng bestfriend ko na sa recitation meron mga salitang ayaw marinig ng prof na un katulad ng sir past muna, I don’t know at hindi nalang magsasalita. Basta sumagot ka lang ok na un. Habang tumatagal maraming bagay akong natutunan sa prof na un. Katulad na ang pagaaral ay hindi biro lang. Kase sa kanya hindi lang effort ang kailangan para ka pumasa. Kailangan talagang maging matiyaga at masipag ka. Maging malawak ang kaisipan mo sa mga bagay na tinituro niya. Honestly talagang nahirapan ako sa subject niya. Pero habang tumatagal lalo akong nachallenge at nagseryoso sa subject niya. Pagdating sa projects talagang strict siya. It should be on time or else kapag late yan wag mo ng asahan na tatanggapin pa niya yan. One time nga I remember magapapacheck kame ng bestfriend ko ng flowchart grabe ang haba ng pila. Box office nga eh, tapos pagdating lang sa kanya ang daming mali. Eh ano magagawa namin kundi ulitin uli. Siguro more than 10 times kame nagapabalik balik sa kanya. Talagang kinulit naming siya para ma approved. Sabi tuloy namin dalawa ng bestfriend ko"Pag may tiyaga may approved flowchart ka", and nasanay na nga kames a kaniya. At doon lang sa subject niya naranasan naming magseryoso sa pagaaral. Malapit na matapos ang 1st semester at first time kong maka encounter ng isang mahaba, nakakalungkot at nakakatuwa rin na farewell speech ng isang prof na tulad niya. Sinabi ko sa sarili ko napakatalino talaga nitong tao na ito. Hindi k o kase alam na talagang writer siya. Nagulat kame sa isang revelation niya. Na meron daw siyang crush sa section namin. Ang kanyang pinakamamahal na si Ms. B2. maraming nagtanong kung sino kaya un. May mga nagsabi na swerte naman niya crush siya ni sir. Pero nalaman ko rin nung araw nay un kung sino ang tinutukoy niya. May nagsabi kase sakin na friend nung girl. Napatunayan kase nila ito base sa kwento ng prof namin. Constant textmate pala niya si Ms. B2. at ewan ko ba kung bakit ko nasabi na sana ako nalang si ms. B2. narinig pala ako ng bestfriend ko kase katabi ko siya. Sabi niya sakin wish mo lang!, simula non iba na ang naramdaman ko sa tuwing nakikita siya. Parang ayoko ng mag bell pag subject niya. Dumating na ang finals pero parang hindi nami iniisip ang exam kundi ang costume na gagamitin namin for the additional points sa exam. Natawa nga lang kame nung sinabi nya na kailangan naka fairytale, horror or superhero outfit ka para may points ka. Kaya kame ng bestfriend ko talagang naghanap ng costume pero ok lang. buti nalang exempted kame ng final exam sa subject niya. Ang saya diba? Isa un sa unforgettable moment ko nung college pa ko. At tapos na sinabi na ang exempted at pwedeng ng umalis. Nag stay muna kame ng mga friend ko sa labas ng room. At biglang lumabas ung prof naming. Syempre ang saya ko, may dala kameng camera non. Sabi sa kanya sir picture po tayo. Sabi niya mahal daw magpakuha sa kanya. Sabi ko tuloy uhmmm sungit… hehehehe. Pero ok lang, hindi ko lang makalimutan yung sinabi niya sakin na "maganda ka pala habang natitigan" . nagulat ako and cyempre natuwa.flattered din kase kahit minsan napansin niya ko. Nakakainis nga kase sembreak na. gusto ko pa siyang makasama pero wala akong magagawa bakasyon na talaga. Ang bilis ng araw at second semester na. isa sa mga panalangin ko na sana maging prof ko uli siya bago nga yun tnxt ko pa na sana nga maging prof ko siya. Ilang araw na wala parin akong prof sa isa kong subject sa Csc44. nagulat nalang kame isang araw habang naghihntay parin sa magiging prof namin. Siya ang nagbukas ng classroom naming tapos unalis din siya. Sabi ng mga classmates ko siguro gagamitin lang ni sir yung classroom namin. Eh bigla cyang pumasok wala naman ibang students don kundi kame lang kaya pumasok narin kame.sobrang saya ko talaga kase makakasama ko nanaman siya ng isang semester.so nag umpisa nanaman ang klase. Hindi na kame masyado nahirapan ng bestfriend ko sa subject niya. Nasanay na kame at unti unti narin naming siya nakilala. Sinabi ko sa bestfriend ko na "crush ko talaga si sir". Nagulat siya sa sinabi ko akala niya nagbibiro lang ako. Kase kilala niya ko na wala masayadong pakialam sa mga guys. At nalaman ko nalang sinabi na niya sa prof namin. Simula non parang nahiya nako at nailang sa kaniya. Pero sabi ko ok lng crush lang naman, as if naman magkakagusto siya sa estudyanteng tulad ko. Bago pa non lagi akong nagfoforward ng quotes sa kaniya. Kahit walang response ok lng, as long narerecieve niya happy nako. One time naghahanap ako ng message para sa kaniya. Ewn ko ba kung bakit ka naforward ung quotes na miss na kita miss na nga kita ano ba? Eh kung sabihin kong mahal kita magreply ka kaya?. Napakagat ako sa labi ko nung mag message sent. Nagtxt uli ako sabi ko sorry wrong send. Nahiya kase ako eh, simula non hindi nako nagtxt sa kaniya. After 3 days pagdating ko sa bahay sabi ng cousin ko “may 5 messages ka galling sa prof mo!”. Na-exite akong basahin yon, yung iba quotes and nagsasabi na “Kung busy daw ako siguro namimiss lang daw nya ako”. Sobrang saya ko nung araw na yun, ang sarap ng feelings, simula non naging mag textmate na kami . hanggang nagkamabutihan na dahil sa text .December nag start ang lahat . Halos hanggang madaling araw text mate kami. Nag kakilala sa text at sinagot ko na rin sya sa text. Ang ganda nga daw ng date eh! Dec. 25 kase, sabi nya ang saya daw ng pasko niya syempre lalo naman ako. Nag umpisa na rin kaming lumabas, first time kong magkaroon ng sundo. Syempre nakaramdam ako ng kaba. Kase ang iniisip ko pano koung may makakita samin prof ko siya at estudyante niya lang ako. Nasa isip ko lang bahala na. basta ang alam ko mahal ko siya. Dumating na nga siya sa oras ng usapan namin. Nung pagkakita niya sakin hinila niya ko at hinawakan sa kamay. Ang nasa isip ko totoo ba ito? . nagpunta kame sa mall para bumili ng gift sa debut na pupuntahan naming kinabukasan. Stuffed toys sa Blue Magic ang binili niya. Ibinili niya rin ako pero siya ang pinapili ko, nahihiya kase ako sa kanya. Ok lang naman kahit wala siyang gift. Himdi naman ako materialistic eh. Pagkatapos naming mag mall we decided na magpunta sa baywalk. Kase sabi ko sa kanya hindi pa ko nakakapunta don. At dun nga sa place na un ikinwento niya ang life at past girls niya. Syempre natuwa ako at na share niya sakin ang mga bagay na un. Doon ko siya lao nakilala. Natuklasan ko rin na mahilig din siya Jollibee. Cguro isa yun sa mga bagay na nagkasundo kame. Lalo na pagdating sa catsup ng Jollibee. Pauwi na kame at nakasakay na sa jeep. Bigla niya hinawakan ang kamay ko nakakahiya nga eh kase pasmado hehehe… and he ask me kung kame na ba talaga. I said oo nga I love you. Then he replied I love you too. Sabi daw kase ng bestfriend niya say I love you if you mean it. Iba talaga ang feelings. Tinanong pa niya ko kung magtatagal kaya kame. Sabi ko naman siguro and depende sa kaniya. Bigla naalala naming ung stuffed toys. Nag isip siya ng name at B2 ang napaili nya. Kase blessie bunny tlga real name nito. Sabi niya pag malungkot daw ako yakapin ko lang sa B2. ganon naman tlga ang nangyari. Dumating din ung time na pinakilala niya ko sa mga friends niya. Buti nalang mabait at masarap sila kasama. Christmas vacation nung ma meet ko sila. Ilang days nalang at paukan na. siguradong mahirap ang magiging situation naming. Expected ko nay un. Sabi ko nalang sa sarili ko kakayanin ko ito dahil mahal ko siya. Kahit ano gagawin ko para sa kanya. Mahirap talaga kase kahit sa skul hanggang tingin lang. hindi ko makausap kase iniisip ko ang sasabihin ng ibang tao. Baka mapahamak pa siya ng dahil sakin at un ung bagay na hindi ko matatanggap. Nagtiis ako na chat at txt lang ang communication namin. Tapos pagkatapos ng klase nagpapasama ako sa friend ko sa main gate ng school naming para abangan siyang umuwi at makasakay ng jeep. Masaya nako non Makita ko lang siya. TTHS ko nga lang siya nakikita eh. Minsan naman sumasabay ako umuwi sa kanya kapag uuwi ako sa isa naming bahay. Makasama sya sa jeep at mahatid lang sa kanto o sa sakayan ng tricycle happy nako sobra. Habang palapit na ang finals parang lalong humihirap ang situation naming. Nag umpisa ng pareho kameng maging busy siya sa trabaho niya ako naman sa mga projects ko.maramiing estudyante ang humihingi ng tulong sa kaniya. Kase malapit na ang defense. At katulad nila isa rin ako sa nahihirapan at hindi na natutulog para lang magawa at makapag submit ng project on time. Siya nalang ang laging nasa isip ko at nagiging inspirasyon ko sa lahat na mga ginagawa ko. Hindi ko talaga kayang humingi ng tulong sa kaniya. Napag usapan na kase namin ang tungkol don. Yun lang ang maipagmamalaki namin sa sarili namin. Na nakatapos ako without his help. Yun naman talaga ang tama. Kahit hindi kame madalas magkasama. Lagi ko nalang iniisip na darating din ung time na makakasama ko siya ng walang ibang iniisip. Naisip ko rin na siguro ganito talaga mag mahal kailangan mong magtiis at maghintay. Pero ang nakakalungkot habang tumatagal imbis na tumibay ang relasyon namin lalo pa itong nagiging marupok. Hindi ko alam kung anong dahilan. Kasalanan ko nga ba?, hindi ba ako marunong humawak ng relationship? o dahil mali ako magmahal. Ewan ko ba! San kaya ko nagkamali? Hindi ba ako naging mabuti? Marami ba kong pagkukulang sa kaniya? Ang dami kong tanong no? dumating kase ung time na feeling ko nababalewala na ko, nagmumukha ng tanga at nakaramdam na hindi na ba ko mahalaga sa kaniya. Buti nga ang iba alam na may problema siya. Samantalang ako walang alam at walang magawa. Iniiyakan nalang ang mga nangyayari. March 27 non txt ako ng txt sa kaniya pero wala kahit anong response ako natatanggap. Dahil sa halo halo na ang nararamdaman at nasa isip ko kung ano ano ang mga nasabi ko sa txt. Hanggang naka recieve ako ng siyam na messages galing sa kaniya. Ang sabi niya mahal niya daw ako ngunit hindi ako maniwala at kailan ba daw ako nagtiwala. May nanghiram daw ng cel niya kaya hindi siya nkapagreply. Pero sana sinabi nya na may manghihiram ng cel niya. Eh hindi sana ako nakapagtxt ng kung ano ano. Siguro isa sa mga mali ko ay pati ibang tao ay nadamay. Lalo na ang mga importanteng tao sa buhay niya. And i want to say sorry for that. At inamin niya na mahal parin niya ang mga babae na gusto niya. Pero anong magagawa ko. Hindi niya ito makalimutan. Ano pang silbi koh? Sinabi nya na ako naman ang pinili niya. Gusto kong sabihin na ako nga ang pinili mo iba naman ang nasa puso mo. Sinabi nya rin sakin na hindi siya dapat iyakan. Sa pamamagitan ng pag iyak nagiging magaan ang pakiramdam ko. At ang mga luhang yun ay bunga ng sobrang pagmamahal ko para sa kaniya. Hiniling niya na magkaroon kame ng time at space. Para pareho daw kameng makapag isip at sempre wala ng commitment Ayoko pero ano magagawa ko yun ang gusto niya at karapatan niya yun. Ang alam ko lang siguradong mahal ko siya. And I don’t have any regrets na mahalin siya.sinabi ko kase sa sarili ko na kapag nagmahal ako ibibigay ko ang lahat para kung sakaling hindi na magwork ung relationship masasabi ko na hindi ako nagkulang. Ewan ko ba nagkulang pa ba ako? O sumobra? Ang alam ko lang nagmahal ako ng isang tao akala koy matutunan din akong mahalin. Laging nasa isip ko mahal mo ko? Ang sakit sakit isipin bakit hindi ko maramdaman. Cguro nga hindi ako sapat para sa kaniya. May hinahanap siya at may kulang pa. hindi ko alam kung ano ang nasa pusot isip niya. Mahirap manghula at hindi ako manghuhula. Sa kabila ng lahat nagpapasalamat parin ako kase marami akong natutunan sa kaniya. Hindi lang sa eskwelahan pati narin sa larangan ng pagmamahal. Kung kailangan kong lumayo kahit masakit gagawin ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa niyang ipagtulakan ako sa ibang tao at sabihin na his happy for me. Ang hindi niya alam sa ginagawa niyan yun lalo nya lang ako sinasaktan. Naalala ko pa tuloy yung sinabi niya na "ok lang sanay naman akong mag isa sa mundo ko eh"dun palang naramdaman ko na hindi nga siguro ako mahalaga sa buhay niya. Na hindi ako kawalan sa kanya na balewala lang kahit mawala ako. Cguro nga mahirap maging manhid sa bagay na ganon. Ang masasabi ko lang na hanggang sa huli ikaw lang ang minahal at mamahalin ko ng ganito. Isa nalang akong nakaraan. Pwede rin maging isang experience, pinagkalibangan o kahit ano. Hindi ko kasi alam kung naging ano ba talaga ko sa buhay mo. Ang tangi ko lang alam naging malaking parte ka ng buhay ko. Ako kaya? Sana balang araw Makita mo na ung babaeng deserving para sa pagmamahal mo. Yung tipong makakasama mong tumupad ng mga pangarap mo. Siguro nga masyado lang ako nag expect. Pero balang araw umaasa parin akong babalik siya at masasabi na niyang ikaw na ang nasa puso ko at wala na sila. Mahirap kase na dalawa silang nandiyan sa puso mo samantalang ako mag isa. Mahirap kase lumaban ang isa sa dalawa diba? Pagkatapos ikaw laging nag iisa dito sa puso ko. Walang ibang laman kundi ang pagmamahal ko sayo. Masyado kang mapagmahal. Sana matutunan mong pahalagahan ang taong nandiyan at nagmamahal sayo. Kase sa mundo mo pwedeng mag isa ka lang pero puede rin na ikaw ang mundo niya at ang mundo niya umiikot lang sayo. Kahit kailan hindi ko parin makakalimutan ang mga pangakong binitiwan ko sayo. Haban buhay kong aalahanin yun, at hindi parin mawawala ang mataasa na pagtingin ko sayo. Bilang estudyante mo at bilang isang tao. Tinaggap ko ang lahat sayo. Alam ko alam mo yun. Siguro yun ang isang bagay na hindi mo magawa ang tanggapin ako kung sino at ano man ako. Kaya ko nga nagawa ito kase naalala ko ung sinabi mo na "what if tommorow never comes" kase nga baka hindi na dumating yung bukas mahirap magsisi na hindi ko masabi ang lahat ng ito. Thanx for everything…. Dito lang ako nangagakong habang buhay na magmamahal sayo.
LYKA

No comments: