Sunday, July 15, 2007

MALING AKALA


(Note: Bato bato sa langit ang tamaan wag magalit, personal opinion lang po…..)

“Maaaring ako’y mali pero paano kung ako ay tama….”

Akala ko pag nagtapos ka na ng Masters mo, MS IT, MS CS o kahit ano pa magiging magaling ka na…..hindi din pala…akala ko lang mali pala ako……

Akala ko pag mataas na ang pinag-aralan mo marami kang alam…hindi pala….. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko magagaling ang graduate ng Ateneo, La Salle o UP….hindi pala lahat… akala ko lang mali pala ako……

Akala ko magaling ka yun pala maganda ka lang…buti na lang maganda ka…. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko pag sinabing Doctor magaling…..hindi din pala…. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko suplado ako…yun kasi ang sabi nila…..hindi pala….. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko sapat na mahal mo ako at mahal din kita…hindi pala… akala ko lang mali pala ako……

Akala ko kokonti ang kaibigan ko….marami pala… akala ko lang mali pala ako……

Akala ko maraming galit sa akin na students..kokonti din pala….. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko wala silang natutunan sa akin…sabi kasi ng ibang students…...sabi rin ng “mga heads” ko….meron naman pala…. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko matapang ako..hindi pala..duwag din pala ako pag buhay na ng ibang tao ang nakataya….. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko bato ang puso ko…marunong naman pala akong umibig…… akala ko lang mali pala ako……

At akala ko nung nasaktan ako hindi na ako iibig pang muli…..akala ko sarado na…. akala ko lang mali pala ako……
Akala ko marami na akong natutunan….kokonti pa lang pala…. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko marami na akong alam sa buhay…..hindi pa pala…. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko close tayo….hindi pala….. akala ko lang mali pala ako……

Akala ko tanggap mo ang buong pagkatao ko….hindi pala… akala ko lang mali pala ako……

Higit sa lahat akala ko mali ako…..hindi pala…….tama pala ako…..(he he he he!!!)


Anolimous
05 April 2006

No comments: