Note: This may contain explicit words not suitable to insensitive, careless and immature person. Experience is advised
“ Ganito naman talaga sa lupa
Sa paaralan lesson muna bago test
Sa buhay test muna bago mo makuha ang LESSON…!!”
Banal ang hangarin ko dahil mahal ko ang bokasyong ito. Hindi nga trabaho ang turing ko dito. Isang bokasyong makatulong sa mga nangangailangan. Actually, kung ginusto ko lang, hindi sana ako dito magtuturo. Sa ibang school na kung saan mas malaki at mas uunlad ako. Pero ewan ko ba. Dito ako pinadpad ng tadhana. At sana’y hindi ako nagkamali sa aking desisyon……….
Déjà vu! Paulit-ulit na lang ito. At ewan ko ba. Isa akong guro pero hindi ko maturuan ng sarili ko. Lagi na lang akong nahuhulog sa banging ito. Para akong nabihag ng kumunoy na unti-unting kumakain sa sistema ng pagkabigo. Kahit anong gawin ko, iba talaga ang tingin nila sa akin. Kahit nagbukas na ako ng puso, takot at nerbiyos pa rin ang mapapansin sa kanila. Ako na ang lumapit. Ako na ang nagpakumbaba. Pero sa tingin ko ngayon, sila ang mailap, sila ang lumalayo, sila ang “suplado”. Salamat sa pagkakataon at sinabi nyo ang gusto kong malaman. Mga katagang matagal ko nang hinihintay……..
…..istrikto
Oo aaminin ko, strikto ako. Pero iyan ay bahagi lamang ng aking estratehiya ng pagdidisiplina as inyo. Dahil mas mahirap na mundo ang inyong kakaharapin pagkatapos niyo sa akademiyang ito. Mas mabangis, mas mailap at istriktong kalakaran ng buhay
…..high standard
mataas nga siguro ang pamantayan ko. Pero gaano man ito kataas ang dali lang naman nitong abutin. Gusto ko kasing iangat ang inyong standard dahil nakita kong talong-talo kayo kung ikukumpara sa iba. Mataas? O baka naman sanay lamang kayo sa mababang standard ng ibang teacher?
....mabilis magtampo at magsermon
magtampo? Kasi naman pinagsabihan mo na pero di pa rin nakinig o natuto. Ilang beses bang dapat ulitin ng isang bagay na ayaw ko. Magsermon? Ganon pala yun. Ngayon ko nabatid kung bakit lagi akong sinesermonan ng tatay at nanay ko. Dahil mahal nila ako. Ayaw nilang mapunta ako sa masama. Dahil nagke care sila sa akin.
…..dami pinapagawa
pareho lang pinapagawa ko at pinapagawa ng ibang teacher. Yung sa akin nga lang ay maaga akong magbigay para hindi gahulin sa oras. Systematic ika nga.
…..not himself when attending the class
sometimes I must admit Oo pero I am trying na ihiwalay ang personal sa professional life ko……its true na malungkot at wala akong ganang magturo pero tao din lang kasi ako na naaapektuhan ng mga pangyayari………..ng problema….tandaan nyo kung sino pa ang bato siya pa ang bulak ang kalooban
…..maraming rules
siguro nga…baka nga…..pero again, that’s part of the training
…..laging nakasimangot
God knows na hindi talaga ako nakasimangot! Ipinanganak lang talaga akong ganito ang itsura
…..pinipigil ang ngiti
dati Oo kasi kailangan kong ipakita na galit ako. Kahit nakakatawa na pipilitin kong itago para lang iparamdam sa inyo na galit ako
…..mahirap pakisamahan
bakit nagkausap na ba tayo ng matagal? Nakilala mo na ba ako ng lubusan?
…..too emotional
tama ka hindi ko na dapat pang pagbuhusan ng gaanong emotion ang pagtuturo….dapat wala na lang gaanong feelings na ibuhos…..konti na lang…….kung ano resulta eh di ayun na lang, wala na lang awa………
….batas military
ngayon ko lang narinig ito pero ang lakas ng dating! Feling ko parang totoo ?
Ngunit may mga nagsabi rin naman na
…..to get close to me
eh kayo lang naman ang ayaw lumapit sa akin eh… wish ko rin
…..like barkada
o cge if you want okay naman sa akin yun eh kung iyon ba ang way para mawala ang nerbiyos at ilang nyo sa akin…..just don’t go beyond
…..Sana maging magkaibigan kami ni Sir Argente gawin niya ako sa isa niyang piling kaibigan
honestly, pihikan ako sa friends…..namimili ika nga pero kung iyon ang gusto mo bakit naman hindi…..i want friends! Period
Well, siguro nga dapat ko nang alamin at aninagin ang mga pangyayari. Baka naman sumusobra na ako sa dapat kong hangganan. Dapat siguro lumipad muna ako sa kalawakan at sipatin ang taas ng kawalan. Baka doon ko makita ang kasagutan sa mga tanong na matagal ko nang hinahanap…. baka sakali doon may makaunawa ng taus-puso kong hangarin…baka doon may makakilala sa bokasyong aking pinasok………baka doon may magsabing tama ang ginawa kong desisyon…… baka doon, may mag appreciate ng hangarin ko.....................baka doon, kahit sa kabilang dimensiyon……….
“ Since it’s just a one way street
And I’m the only one who’s on it
No one knows the way but me……”
Anolimous
No comments:
Post a Comment