Tuesday, July 22, 2008

Y E S O

“Pinili ko ang propesyong ito hindi lang para kumita, o magpahirap para makaganti sa mga taong nagpahirap sa akin noon, kundi para himukin ang mga kabataan na mangarap at abutin ang mga ito sa abot ng kanilang makakaya. Para magturo ng mga nalalaman ko”

Marami akong gustong sabihin sa iyo pero mahirap dahil baka isipin mong masyado akong “emo”, yun ang tawag ng mga kabataan sa madadrama ngayon di ba? Pero dahil gusto kong maintindihan mo ako, ito ang ilan sa mga bagay na nais kong malaman mo.

Nung una mo akong nakita sa klase, maaring natakot ka dahil akala mo terror ako o kung hindi man natuwa ka dahil naisip mong maswerte ka at maganda ang napuntahan mong section, ”effortless” para makapasa. Kung alin man sa dalawa ang naramdaman mo, sana hindi ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka pumapasok sa klase ko, tandaan mo IKAW ang gumagawa ng grades mo, tagaturo at taga-compute lamang ako.

Kung dumating ang panahon na sa tingin mo ay sobrang pinahihirapan na kita sa requirements, assignments, projects at walang kamatayang pagtawag ko sa iyo para mag-recite kahit minsan wala ka nang maisagot, wag kang mag-alala, may magadang idudulot sayo yan. Paglabas mo ng kolehiyo hindi lang yun ang mga kailangan mo para pumasa sa pagsubok sa buhay, ams malupit ang mundo sa labas. Siguro alam mo na yan sa ngayon, pero mas mahirap tumayo sa sarili mong mga paa.

Sa mga panahong pinagsasabihan mo ako ng mga bagay na hindi maganda sa likod ko, sana intindihin mo rin kung anong mararamdaman ko. Hindi mo ako maaaring piliting baguhin ang ugali ko para ibagay sayo dahil hindi rin naman kita pipilitin di ba?

Wag mong kakalimutan ang mga bagay na itinuro ko sa iyo, maaring hindi lahat yan ay magamit mo pero sinisiguro ko sayo na lahat ng yun ay kakailanganin mo.

Kung dumating ka sa puntong susuko ka na dahil sa tingin mo ay hindi mo na kaya ang lahat ng pabigat sa buhay mo, manalig ka at lumaban hanggang sa huling sandali. Kung madapa ka ayos lang yun tumayo ka na lang ulit, alalahanin mo palagi na wala pang taong naging matagumpay na hindi nabigo minsan sa kanilang buhay.

Pinili ko ang propesyong ito hindi lang para kumita, o magpahirap para makaganti sa mga taong nagpahirap sa akin noon, kundi para himukin ang mga kabataan na mangarap at abutin ang mga ito sa abot ng kanilang makakaya. Para magturo ng mga nalalaman ko. Salamat din sa mga natutunan ko sa iyo.

At sa iyong pagtatapos sa apat o limang taon na ginugol mo para maging isang propesyonal din na katulad ko, masaya ako kahit papano naging parte ako ng tagumpay mo. Higit sa anumang regalo o kasiyahan na nais mong ibigay, walang hihigit pa sa araw na makita kong hawak mo na ang diploma na minsang pinangarap mo.


23July2008

3 comments:

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

sir,ngayun naiintindihan koh n kung bkit ganun k samin...lam nyo poh nung una ganun din yung impression koh sa inyo na mahigpit kayo,napaka terror and parang walang pakialam sa mga studyante dagdag pa poh cguro yung mga narirnig koh about sa inyo na galing din poh sa ibang studyante...nung nalaman koh nga poh na kayo prof koh sa itc45 natakot talaga akoh eh na parang gusto koh ng magpalipat ng section at maghanap ng ibang prof..puro napagisip isip koh poh n ndi n lng..kaso ilang days plng poh ng pasukan kinailangan koh talagang lumipat ng section dahil conflict sa sched koh ...nagkataon naman pong kayo ulit ang prof dun sa nilipatan koh saka both lab and lecture pa poh..sir ndi koh poh alam kong pano ieexplain pero poh narealize koh na napakaswerte koh kasi kayo poh naging prof koh..iilan lng poh ang naging prof koh sa jru na may natutunan talaga akoh..kaya thankful talaga poh akoh na naging prof koh kayo..kasi for sure marami akong matututunan..saka ndi na poh akoh mahihiyang lumapit poh sa inyo...nagawa koh n last time eh ndi nyo koh pinagalitan...naiiyak n nga poh akoh nun eh..dami koh pa pong gustong sabihin sa next comment koh n lng poh ilalagay...thank u poh sir

*akolangto said...

sir,im so proud at naging prof. kita, ang dame kong natutunan sayu hindi lng sa subject kundi pati narin sa buhay.. iba kasi ung word of wisdom nio nakaka inspire... gogogo sir. thank you po ulit at GODBless po :)