Wednesday, July 30, 2008

Panliligaw

Ang pag kuha ng thesis adviser ay kagaya ng isang panliligaw. Gagawin mo ang lahat para mapa oo mo ang isang professor para pumayag na tulungan ka at iaadvise sa iyong ginagawang thesis. Ngunit paano kung ang nililigawan mo ay may sugatang puso at nag momove on pa lamang? Isusuko mo na lang ba ang panliligaw o ipipilit mo ang sariling ikaw ang piliin?

Kada simula ng semester hindi lang iisang grupo ang lumalapit sa akin para kunin akong thesis adviser? Isang pumapasok sa isip ko “siguro ayaw lang akong maging panelist ng mga batang ito”. Pero ano nga ba meron ang isang Mr. Noli M. Argente? Ang sagot wala. At isa pang wala. Wala namang kakaiba sa akin. Mas higit pa nga ang ibang mga prof dyan na mas mataas ang pinag aralan sa akin at sa magandang paaralan pa nagtapos. Mas higit ang kanilang nalalaman kung ikukumpara sa kung anong kaalaman meron ako. Pero bakit nga ba bigla naging bato ang puso ko para sumagot ng OO sa mga estudyante. Aaminin ko masakit pa rin sa ngayon ang sugat na dinulot ng nakaraang taon. Yun bang tipong pinili mo sila para ikaw ang maging adviser nila. Na tinulungan mo sila mula sa umpisa hanggang sa dulo ng kanilang thesis. Kaalinsabay noon ay ang gastos at pagpupuyat mo rin para suporthan sila. Ganyan ako bilang adviser dahil para sa akin isang mabigat na responsibilidad ang pag OO sa kanila. Na tutulong ako hanggang sa huli. Ngunit ano ang aking napala? Noong masiguro na nila na sila ay magtatapos na at tatanggap na ng Diploma ay unti unti akong sinakmal at trinaydor. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay bigla na lang gumawa ng ingay para mapatalsik ako sa JRU. Bakit kulang pa ba ang itinulong ko sa inyo para ganituhin nyo ako? Hindi ba sapat ang aking pagkakasakit, puyat at sakripisyo para hindi nyo makita ang aking mga nagawa at naitulong? Ano ba ang nagawa ko at ginawa nyo sa akin yun? Masyado bang mali at makasalanan si Mr. Argente para makatanggap ng ganong pag trato? Mali ba ako at nag-alaga ako ng AHAS?...O isang asong akala ko ay bestfriend ko pero sya din ang tumahol, kumain at lumapa sa laman ko na gusto akong patayin? Do I deserve all these?

Sugatang puso…iyan ang mailalarawan ng estado ng buhay ko sa pagbukas ng klase at pagharap sa mga bagong estudyante. Ngunit hindi ko ipinahalata at hindi naman dapat. At gaya ng dati…marami na naman ang lumapit para kunin ako bilang thesis adviser. Ngayon pano ako sasagot ng OO?..Pano maghihilom ang sugatang puso? Pano ako mag momove on? May isang estudyante nagsabi sa akin…na ang gamot sa pusong sugatan ay bagong pagmamahal…isang pusong nagmamahal na handang magmahal ng tapat at lubos para maghilom ang sugatang puso. Aaminin ko maraming ganyan…Hindi man ako 100% sigurado pero parang totoo naman ang pagmamahal na iniuukol nila sa akin. Sabi nga, marami ang “nanliligaw”. At alam ko marami pa ang gustong “manligaw”. Sa sugatan at batong puso na katulad ng puso ko ngayon mahirap magmahal muli at pumili ng tamang grupo na pipiliin ko para aking i-advise. Mahirap piliin sa mga nanliligaw ang totoo at sino yung may personal na interest lamang. Siguro panahon ang makakapagsasabi. Pero sabi nga pagmamahal at tyaga ang kailangan para muling mapaibig ang pusong labis na nasaktan. Tyagang susubok sa kakayahan ng mga nanliligaw. Dahil sa huli ang matyaga at mapilit ang maakakatanggap ng matamis kong “OO”.

31 July 2008

Tuesday, July 22, 2008

Y E S O

“Pinili ko ang propesyong ito hindi lang para kumita, o magpahirap para makaganti sa mga taong nagpahirap sa akin noon, kundi para himukin ang mga kabataan na mangarap at abutin ang mga ito sa abot ng kanilang makakaya. Para magturo ng mga nalalaman ko”

Marami akong gustong sabihin sa iyo pero mahirap dahil baka isipin mong masyado akong “emo”, yun ang tawag ng mga kabataan sa madadrama ngayon di ba? Pero dahil gusto kong maintindihan mo ako, ito ang ilan sa mga bagay na nais kong malaman mo.

Nung una mo akong nakita sa klase, maaring natakot ka dahil akala mo terror ako o kung hindi man natuwa ka dahil naisip mong maswerte ka at maganda ang napuntahan mong section, ”effortless” para makapasa. Kung alin man sa dalawa ang naramdaman mo, sana hindi ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka pumapasok sa klase ko, tandaan mo IKAW ang gumagawa ng grades mo, tagaturo at taga-compute lamang ako.

Kung dumating ang panahon na sa tingin mo ay sobrang pinahihirapan na kita sa requirements, assignments, projects at walang kamatayang pagtawag ko sa iyo para mag-recite kahit minsan wala ka nang maisagot, wag kang mag-alala, may magadang idudulot sayo yan. Paglabas mo ng kolehiyo hindi lang yun ang mga kailangan mo para pumasa sa pagsubok sa buhay, ams malupit ang mundo sa labas. Siguro alam mo na yan sa ngayon, pero mas mahirap tumayo sa sarili mong mga paa.

Sa mga panahong pinagsasabihan mo ako ng mga bagay na hindi maganda sa likod ko, sana intindihin mo rin kung anong mararamdaman ko. Hindi mo ako maaaring piliting baguhin ang ugali ko para ibagay sayo dahil hindi rin naman kita pipilitin di ba?

Wag mong kakalimutan ang mga bagay na itinuro ko sa iyo, maaring hindi lahat yan ay magamit mo pero sinisiguro ko sayo na lahat ng yun ay kakailanganin mo.

Kung dumating ka sa puntong susuko ka na dahil sa tingin mo ay hindi mo na kaya ang lahat ng pabigat sa buhay mo, manalig ka at lumaban hanggang sa huling sandali. Kung madapa ka ayos lang yun tumayo ka na lang ulit, alalahanin mo palagi na wala pang taong naging matagumpay na hindi nabigo minsan sa kanilang buhay.

Pinili ko ang propesyong ito hindi lang para kumita, o magpahirap para makaganti sa mga taong nagpahirap sa akin noon, kundi para himukin ang mga kabataan na mangarap at abutin ang mga ito sa abot ng kanilang makakaya. Para magturo ng mga nalalaman ko. Salamat din sa mga natutunan ko sa iyo.

At sa iyong pagtatapos sa apat o limang taon na ginugol mo para maging isang propesyonal din na katulad ko, masaya ako kahit papano naging parte ako ng tagumpay mo. Higit sa anumang regalo o kasiyahan na nais mong ibigay, walang hihigit pa sa araw na makita kong hawak mo na ang diploma na minsang pinangarap mo.


23July2008

There’s Something About 1%

“Hindi lahat ng tama ay dapat..at hindi lahat ng dapat ay tama…”


Binigyan tayo ng kalayaan para hanapin ang ating kaligayahan. At ako sa estado na ito ay natagpuan ko ang kaligayahang hindi ko pwede ipagpalit sa ibang bagay. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nagbabahagi ng aking kaalaman sa Jose Rizal University. Maglilimang taon na ring ganito ang aking buhay. Pagkatapos ng maghapong trabaho sa opisina ay sa school naman ako pupunta.

Mahirap makipaglaban sa isang digmaang mananalo ka lang kapag iniwasan mo ito. Ngunit sabi nga nila tila isang karuwagan kapag ginawa mo ito. Ngunit mas mahirap makipaglaban ng nag-iisa. Pakikipaglaban para sa isang bagay na para sa iyo ay tama ngunit sa iba ay mali. Aaminin ko minsan naisip ko na ring magbago at gayahin sila. Pero kahit ano gawin ko hindi ko mabaluktot ang aking prinsipyo at paniniwalang ito ang alam kong nararapat. Ito ang alam kong paraan para sa isang pagbabago. Pagbabago para sa adhikain kong matuto ang mga estudyante. Mahirap makipaglaban sa kaaway na palagi ka na lang ”ginagamit” at ”sinasamantala”. Kaaway na nakangiti pag nasa iyong harapan ngunit ito pala’y kaaway na lihim. Mga kaaway na walang ginusto kundi sabuyan ng putik ang iyong pagkatao, ang dumihan ang iyong pangalan. Bakit ganoon ang tao?..Madali silang makalimot sa nagawa mong kabutihan pero hindi nila makalimutan ang isang pagkakamali mo? Kung pagkakamali ngang maituturing ito.

Kahit kailan hindi ko sinabi na perpekto ako, magaling at walang bahid. Ngunit hindi rin naman mapapasubalian ang katotohanang malaki na rin ang aking naiambag sa ikagaganda ng Akademya. Malaking pagbabago ang naidulot nito sa kalidad ng edukasyong tinatamasa ng Unibersidad. Lagi na lamang pinamumukha sa akin ng “namumuno” kung gaano kasama akong guro…kung gaano karami “raw” ang nagrereklamo sa akin…ito ang matapang kong itatanong sa inyo….

.. .minsan ba kinausap nyo naman ang mga estudyanteng patuloy na naniniwala sa akin...?..... .nalaman ba ninyo kung ilang estudyanteng nakatapos na at ngayo’y magtatapos pa lamang ang humingi at patuloy na humihingi ng tulong para gawin akong thesis “adviser”?

...... Nagtanong ba kayo kung ilang estudyante na ang natulungan kong sagipin ang buhay…na nabigyan ko ng advise sa pamilya at sa buhay?..... Nakausap nyo na ba ang COMSOC kung ano ang nagawa ko na para sa kanila?
...... Ang mga konti kong kaalaman na galing sa mga karanasan ko sa industriya na naibahagi ko at hindi yung puro “theoretical” at umiikot lamang sa school na impormasyon… ?

....... Higit sa lahat nalaman ba ninyo kung gaano ka-dedicated at responsable ang inyong abang lingkod para sa mga estudyanteng nangangailangan ng gabay at pag-aalaga?

Minsan pa, hindi ako magaling,. I am not the best. I am a sinner not a saint. Hindi ako naniningil sa mga nagawa ko. Ang sa akin lang gawin nyo lamang sanang tama at pantay ang inyong pagtingin.

Mahirap ang giyerang pinasok ko. Na ang tanging panalo lamang ay kapag isinuko mo ito. May mga labang mahirap tapusin hanggang dulo. Mayroon namang sa kalagitnaan ay may natatalo na.Ngunit bakit minsan hindi pa nagsisimula ay talo ka na? Isa pa, hindi lahat ng giyera ay dapat labanan. May nagsabi sa akin duwag daw ako kasi hindi ako lumaban. Sabi ko sa kanya hindi ako duwag. Matapang ako dahil nakaya kong tanggapin ang sakit ng katotohanan na kahit makipaglaban ako talo pa rin ako.
Kung malaya lang ako...malayang baguhin ang sistema....ngunit sino ba ako? Ako’y isang munting tinig lamang na humihingi ng pagbabago. 1%...napakaliit ng tsansang magbago……..mahirap maabot…. …but I still believe in 1%... hindi natutulog ang Diyos….malay mo pag-gising natin kinabukasan…. iba na ang mundong ating gagalawan…maniwala tayo..there is always something in 1%.......

Anolimous
07August2007

Sunday, July 15, 2007

KAHIT HANGGANG SA PANGARAP LAMANG

(Ang sanaysay na ito ay taus-puso kong inihahandog kay Ms. Rowena Dombrique. Hindi ko alam saan ako nagkamali pero alam ko saan ako nagkulang...ang babae sa likod ng kantang “Something New in My Life”……..)

Minsan ay nangarap ako……tumaas……lumipad……Ngunit nabatid kong ang aking pakpak ay di ganap ang kakayahan para gawin yaong matayog na paglipad. At sa aking pag-iisa naisip kong kailangan ng isang gabay, destinasyon at inspirasyon upang marating ang kalawakan kung saan naroon ang tagumpay. Hanggang sa isang araw nakakita ako ng isang agila. Isang agila para sa kagaya kong sisiw. Iba siya sa mga agilang nakita ko at nakasama upang maging gabay at inspirasyon. Isa siyang agila na sa wari ko’y katatapos lang ng pagsasanay dahil bago pa lang niya iwinawagayway ang bagwis, ngunit siya’y punumpuno ng kaalaman at karanasan kung ikukumpara sa tulad kong sisiw. Maraming maipagmamalaki ang agilang ito. Marami siyang magagandang katangian na hinihanap ng iba pang mga agila. Ngunit ako? Ano nga ba mayroon ang sisiw na kagaya ko. Ako’y hamak na sisiw sa magandang agilang kapara mo. Siguro iyon ang dahilan kung bakit parang wala kang panahon para sa akin. Magkaiba ang ating mundo kahit kabilang tayo sa iisang pamilya ng “ibon”. Tayo’y magkalapit subalit napakalayo ng ating agwat. Malayong-malayo. Ang Hilaga at Timog ay posibleng magkalapit ngunit tayo ay parang malabo.
Sa bawat araw ng aming pagkikita ay nadaragdagan ang aking paghanga. Sabi ko sa aking sarili, sana maging agila rin akong tulad niya na sa murang edad ay hinog na para maging gabay at ehemplo. Pero paano? Sa bawat pagsasanay at pagsubok na ibinibigay ng agila ay lagi akong bumabagsak. Gusto ko nang sumuko at magalit sa agila katulad ng ibang sisiw. Pero hindi …. Sa katunayan, ang agilang iyon ang nagsilbing hamon at inspirasyon para sa akin upang bumangon at lampasan ang pagsubok nang mag-isa. Ang bawat araw ng aming pagsasama ay ikinintal sa aking isipan. Naging makabuluhan ang bawat pag-uusap dahil nagkaroon ako ng kaliwanagan sa mga bagay na hindi ko maintindihan noon. Masayang-masaya ako sa bawat araw na lumipas na iyon. Walang kasing saya! Marami akong natutuhan sa agila……
Ngayong sumisilay ang takipsilim, ang mga pangarap ko ay unti-unting lumalabo dahil ang liwanag ay unti-unting nagdidilim. Ang mga karanasang akala ko’y panaginip ay isa palang ganap na katotohanan. Katotohanan na kahit anong sandali ay umuukilkil sa aking pagod na isipan. Nasasaktan ako sa aking mga napapanaginipan. Umiiyak ako dahil ang panaginip kong yaon ay ilang beses ko nang napapanaginipan. Natatakot ako na baka isang umaga paggising ko’y natapos na ang lahat.
Alam kong sa panaginip ko’y wala akong magagawa…..wala tayong magagawa…..dahil hindi natin alam ang ating mga sinasabi……nananatiling bukas ang aking mga tenga subalit bakit wala akong marinig? Mulat ang aking mga mata subalit hindi ko makita ang katotohanan ? Buo ang aking isipan subalit hindi ko matalos ang kanilang ibig iparating gayong nasa pareho kaming kalagayan……….Nauunawaan kita……………nararamdaman ko ang iyong nararamdaman…. Subalit paano? ….Ano dapat gawin?
Lubos akong nagpapasalamat sa agila na binigyan niya ng kaganapan ang hungkag kong isipan sa mundo nating mahiwaga. Binigyan niya ng kulay ang madilim kong buhay. Naging makulay ang bawat araw na lumipas. Salamat at nakilala ko ang aking hinihintay. Kaya lang mukhang kaybilis ng panahon, rumaragasa ang mga pangyayari, mukhang nauupos na kandila ang aming pagkikita. Sana ngayon pa lamang ang simula, o kaya’y sana hindi magbago ang magandang pakikitungo niya sa akin. Salamat sa agila na nagsilbing inspirasyon upang patuloy akong lumaban at tahakin ang landas ng aking patutunguhan. Salamat sa pagbibigay niya ng panahon na hindi niya ipinagkait. Noon ko pa siya gustong pasalamatan ngunit ako’y nag-aalinlangan dahil mukhang magkaiba ang aming mundong ginagalawan. Mahirap magtagpo ang aming mundo dahil siya’y isang tanyag na agila at ako nama’y isang hamak na sisiw na naghahangad.
Hindi pa ganap ang pagkahubog ng aking pakpak upang makiayon sa kanyang paglipad. Sana’y sabay narating ang kalawakan ng tagumpay na kinalalagyan niya ngayon at pinapangarap ko naman buhat pa noon…….
Ngayon na nababanaag ko na ang kadiliman, sisikapin kong hanapin ang siwang ng liwanag para magtagumpay. Sana sa muling paglipad ng agila ay naroon na rin ako. Marunong nang lumipad…..may sapat na kakayahan na tulad niya.
At dahil sa isang pangyayari, bibigyan ko ang agila ng sapat na panahon para makapag-isip. Ako nama’y babalik muna sa mundo naming mga sisiw para pagmuni-muniing muli ang mga pangyayari. Lugar para hanapin ang pira-pirasong butil ng aking pagkatao na nagkahiwa-hiwalay dahil sa mga naganap. Ngunit patuloy akong aasa………aasa na balang araw ay magkakaroon ng lugar, oras at panahon………magiging bahagi ng mga pangarap ng agila ang isang simpleng sisiw na kagaya ko. Hanggang may natitirang hibla ng pag-asa sa aking buhay, mananatili pa rin akong magmamasid sa bawat galaw ng agila sa kalawakan. At tulad nga ng aking pangarap, sana magkapareho na kami ng mundong ginagalawan………..kahit na………kahit hanggang sa pangarap lamang.


Anolimous
November 15, 1998

BATCH 2007 - Hawak Kamay Class

Sa iyong paglisan.....

Unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay hindi kita napapansin o ako’y nakatungo para hindi na marinig ang bulung-bulungan, huwag mo sana akong kainisan. Mahirap ang maging isang kagaya ko.

Kapag marami akong pinapagawa at maraming ibinabagsak, huwag mo sana akong tawaging “terror”. Hindi ako terrorista na pumapatay ng tao. Marangal ang hangarin ko.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan at ng problema. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Pagpasensyahan mo na sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka na nagpapaalaala tungkol sa buhay, sa pag-aaral, sa pamilya, sa tatahaking bukas, sa pag-aasawa, sa pagtatrabaho, sa sex at sa pagiging mabuting tao.. Basta pakinggan mo na lamang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo noong nag-aaral ka pa? Kapag gusto mo ng kausap o ng advise, aayain mo ako ng inuman o tatawagan mo ako o kaya paulit-ulit mo ’kong itetext para sabihin sa akin ang iyong mga problema sa pag-aaral, puso o sa pamilya.Pagtiyagaan mo ang kakulitan ko.

At pag graduate ka na....

Pagpasensiyahan mo rin sana ang aking itsura at kaalaman. Alam ko higit ka pang yayaman at matututo. Huwag mo sana akong maliitin. Huwag mo sana akong bastusin. Natatandaan mo ba noong hinahanap mo pa ang iyong sarili at ang iyong lugar sa JRU?

Kapag may konti kang panahon, magparamdam ka naman at magkwentuhan tayo, kahit sandali lang. Minsan nakakainip din ang buhay. Walang kausap. Alam kong magiging busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik din akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo ba BATA, noong nag-aaral ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang mga kwento, hinaing at himutok mo sa buhay.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong kalimutang dalawin. Tutal hindi na naman ako magtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana….dahil naging mapagmahal ka sa iyong guro na minsa’y tinawag mong ”terror” ...…
Anolimous
16Feb2007

DUMPLING

”Minsan gusto na kitang pakawalan...ngunit kadalasan gusto kong makasama kita...kaya’t hanggat hindi ko pa talaga alam ang gusto ko...subukan muna natin ito.magkasama habangbuhay...kasi masaya ako pag kasama kita...”

Hindi ko na sana isusulat ang kwentong ito. Sasarilinin ko na lamang. Dahil sigurado naman akong hindi mo ito mababasa. Dahil sabi mo nga hindi ka mahilig magbasa. Lalong-lalo na pag mahaba. Karamihan pa naman sa mga sinulat ko ay ganun. Kahit na. Bahala na. Mahalaga nailabas ko ang gusto kong sabihin at iparating.

Noong araw na sinabi mo na okay lang sa iyo na magkaroon ako ng kaibigan. Basta ikaw pa rin ang pinakamahalaga, yung una, yung special. Ginawa ko yun. Maraming nag-invite sa akin to join them, to be with them, to bond with them. Pero ikaw lagi ang iniisip ko. Minsan nga unfair sa kanila kasi sila nga kasama ko pero ikaw naman ang nasa isip ko. Tapos minsan sinabi mo sa akin na kasama mo nga ako pero sila ang nasa isip ko. Ano ba yun baligtad! Aaminin ko kahit kelan hindi ka nawaglit sa isipan ko. Noon tinanggap kita dahil naawa ako sa iyo. Dahil pakiramdam ko kailangan mo ng kaibigan o karamay. Yung bibigyan ka ng atensyon at pagmamahal. Dahil sabi mo nga hindi mo iyon nararamdaman sa iyong pamilya. Pero sa tinagal ng panahon natutunan na kitang mahalin. Yung bang tipong ikaw na lang lagi ang nasa isip ko. Na bawat kilos at gagawin ko ay para sa iyo at ikaw ang nasa sentro.. Ngunit aaminin ko minsan nagtatanong ako sa sarili ko kung nararapat bang pinili kita at tama bang minahal kita? Kasi hindi ko maramdaman na mahalaga ako sa iyo. Kasi feeling ko nandiyan ka lang kasi kailangan mo ako. Kasi nasasandalan mo pa ako. Na nagdududa ako kung talagang mahal mo rin ako. Kailangan mo ba ako dahil mahal mo ako o mahal mo ako dahil ngayo’y kailangan mo ako? Masakit. Kasi paano na kung hindi mo na ako kailangan? Will you dump me? DUMP. Itatapon mo na lang ba ako at itatambak na parang basura? Hindi ako naghihintay ng anumang kapalit. Konting panahon at pagpapahalaga lang naman. Na magparamdam ka kahit minsan. And if you’re gone......remember that you’re just the BEST I ever had.

Mahirap umasa sa sabi lamang. Hindi ko alam ang mangyayari sa atin kinabukasan. Kung may kinabukasan man ang ating relasyon.. Pag sinasabi kong cool-off muna tayo, that I need time and space parang okay lang sa iyo. Parang hindi ka apektado. Dobleng sakit ang nararamdaman ko kasi hindi ko alam kung handa kang ipaglaban ang ating relasyon. Kaya for the meantime…COOL-OFF…kasi sabi nga ng kanta… ayoko na munang makita ka..ayoko na munang makasama ka.. gusto ko sanang mapag-isa.. 'di na yata tayo masaya..'di na yata kakayanin pa..gusto ko munang mapag-isa…..

ANolimous 09February07

PARANG MAY KULANG!

"Dont cry because its over, smile because it happened....."

Nagising na lang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang. Kumain ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero bakit ganito parang ang bigat ng pakiramdam ko. Pumasok ako sa trabaho. Nag-iisip pa rin.Muntik na nga akong matisod sa kakaisip lang nito.Tinanong na ako ng mga katrabaho ko, ano ba meron sa kin bakit ang tamlay ko. Sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan. Alam mo ba yung pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo, tipong merong kilangang makapuno? Yun ang naramdaman ko nung araw na yun. Gusto ko na ngang sumigaw, magwala, malay ko ba kung ano lang ito. Pero hindi ko ginawa, hindi naman dapat.

Mga bandang tanghali pagkatapos ng tanghalian, tumawag siya, alam mo na siya, yung babaing minahal ko buong buhay ko pero iniwan ako para sa ibang tao. Wala lang, nangamusta lang. Labas daw kami pagkatapos ng trabaho, nag-isip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi, naisip ko ano ba namang masama, nasa malayo naman nagtatrabaho ang boyfriend niya, parang malalaman di ba? Natapos ang araw sobrang excited ako, sinundo ko siya sa trabaho, kumain kami, nag-usap, binalik ang nakaraan, sabi ko na lang wag nang pag-usapan may buhay na siya, masaya na rin ako sa buhay ko, kaibigan na lang maibibigay ko, ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya ako, kumpara ba ko sa bago, mas mabait daw ako, mas maintindihin, mas understanding, sabi ko nga aba eh bakit mo sakin sinasabi yan, ano ito bolahan, natawa lang siya kahit hindi nakakatawa, nainis nga ako di ko nalang pinakita, pero kahit na nag usap kami nandun parin yung malaking butas. Nararamdaman ko pa rin, hanggang sa naisip ko baka kulang lang ako ng pagtawag sa kanya, pero hindi naman kase madalas ako tumatawag sa kanya, siguro namn kilala niyo na kung sino yun. Naglalakad na kami pauwi, nakalimutan ko kahit sandali ang kulang na nararamdaman. Napatawa pa ko sa mga biro niya. Biglang nag ring ang cellphone ko, kapatid niya umiiyak, sabi ko, “bakit?” Kasama ko ate mo, pauwi na kami. Bigla siyang natahimik, tinanong ko, “bakit?”, at dahan dahan niyang sinabi.."pano nangyari yun eh si ate nadisgrasya, na total wreck sasakyan niya..kuya patay na siya" Nabigla ako hindi ko maintindihan pano nangyari na patay na siya eh kasama ko pa, pag harap ko sa likod ko..nandun parin sya, ganun pa rin suot niya pero duguan na..napaluha ako, ngumiti lang siya at sinabi na "naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may kulang hindi mo maintindihan kung bakit?" Napa OO na lang ako habang patuloy na lumuluha.."papunta ako sayo ngayon, dahil gusto kung sabihin na ikaw pala yun, yung kulang sa buhay ko..gusto ko na sana pakasal tayo..pero d iba sabi ko naman sayo kahit anong mangyari gusto ko bago ako mamatay ikaw ang nasa tabi ko" Tapos bigla na lang siyang nawala..bumigat lalo pakiramdam ko,napaupo ako sa lapag, wala nalang akong nagawa kung hindi umiyak..bakit kung kailan lahat ng sinabi niya tama sa pandinig ko, hangin nalang ang lahat ng ito.................